“pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga sususnod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang….”
PAKAWALAN MO UNG MGA BAGAY NA NAKAKASAKIT SA YO KAHIT NA PINASASAYA KA NITO ,WAG MONG HINTAYIN UNG ARAW NA SAKIT NA LNG NARARMDAMAN MO AT INIWAN K NA NG KASIYAHAN MO ….
“Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”
“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.”
“ang dahilan kung bakit hindi ka dapat magmahal ng dalawang tao sa parehong panahon ay katulad ng kung bakit hindi ka pwede magsuot ng sapatos na hindi magkapares sa parehong oras. posible pero pangit tignan.”
and
“minsan, para ka palang nagmahal ng pader. habang mas pinagdidiinan mo itulak ang sarili mo, mas nasasaktan ka. pero siya, ‘di pa rin natitinag.”kahit anong bagal mo kung di ka naman niya gustong habulin, hindi ka iya maaabutan.. kahit mag stop over ka pa
“kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”
“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
” hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag.iisa , kundi ang pagtanggap na sa bilyung.bilyong tao sa mundo , wala man lang nakipag.laban upang makasama ka. “
“Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..
- “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”
-“Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”
“Mangarap ka at abutin mo ito.
Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis.
Kung may pagkukulang sa’yo ang mga magulang mo, pwede kang manisi at mag rebelde… tumigil ka sa pag aaral, mag drugs ka at magpakulay ng buhok sa kilikili.
Sa bandang huli, ikaw din ang biktima… Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”
“ang tao, aminado naman yan sa mga kasalanan nila..pero kung lalo mo pang ipapamukha sa kanila na mali sila, lalo mo lang silang binibigyan ng dahilan para iwanan ka..”
“walang taong manhid..hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin..”
“kung madami kang dapat gawin pero wala kang ginagawa, hindi katamaran ang dahilan nun..may iniisip ka..”
“kung ang tinapay nga na iniwan mo sa mesa may kumukuha, yun pa kayang mga bagay na mas mahalaga sa’yo?..wala nang nagtatagal sa panahong ito at kung may iiwan ka, siguraduhin mong hindi na iyon mahalaga..
“paano mo makikita yung taong para sa’yo kung ayaw mo namang tantanan yung taong pinipilit mong maging para sa’yo..”